Es mostren els missatges amb l'etiqueta de comentaris 00 Kristel Garcia. Mostrar tots els missatges
Es mostren els missatges amb l'etiqueta de comentaris 00 Kristel Garcia. Mostrar tots els missatges

dimarts, 20 de març del 2012

Retorn [versió en tagal]

Pagbabalik

Hinayaan kong gabayan ako ng antok
na magdadala sa akin pabalik sa bahay;
maaaring ikaw ngayon ay nanonood ng telebisyon
o baka nagbabasa ng isang nobela
–kasalukuyan , ang unang Millennium.
Tumigil ako sa gitna ng daan, inikot-ikot
ang mga bolsa, hinahanap ang mga susi
–tayo’y pa rin mga inosente–
nang ating kaligayahan;
iniiwasan ko ang madilim na kailaliman
na isang flyover na sumasaklaw:
ang mga pagliko at pagtawid sa kalsada
na bumabalik sa lambak, ang mga patak
kontra sa pananggang-hangin, Bill Evans
–ang parolang nakasindi ng France Musique–
Sa pyano, kasama ako.
Humiga ako sa kasama, sa iyong tabi;
inilipat ang katahimikan at ika’y aking hinalikan,
pumunta ako sa’yo –hindi gumagalaw,
nakatulog na may librong bukas–
kapag tumaob ang huling asul.
Kalungkutan na nangunguna sa aking pagtulog
ang mga mapapait na berso ni Pavese:
Scenderemo nel gorgo muti;
aking pinatay ang ilaw ng nasa lamesa;
pumasok ako sa parking ng mga panaginip.
Isang araw na naman ang lumipas.

Estefanie Solomon, Kristel Garcia, Larry John Fieldad Pasion

Silencis [versió en tagal]

Katahimikan

Tayo`y magtagpo sa kabila, sa katahimikan,
at ang mga salita ay mga malabong larawan,
alingawngaw ng mga damdamin na hindi maintindihan,
mahinang pagwawangis –katulad ng mga bituin
na  ipinanganak sa iyong mga mata -, mga katibayan ng katotohanan
na hindi maaaring tukuyin: mapaglinlang,
naiibang kilos na isinasapuso,
sintomas ng apektado, pagkakagulo ng kalooban,
pagtawag ng mga araw na patay
at pagnais na umunti – paunawa
sa palitan ng sa gabi, kapag tayo’y
nasa pagitan ng pagkabigla,
ng matatamis na kasiyahan at pagkabigo.
na mas nagdurusa tayo at nagiging kompromiso
at nang bubong pag-iyak patungkol sa kamalasan
hanggang sa mapagtanto natin
sa mga hindi magambalang mga eskultura
at  aking natuklasan, pagkatapos ng mga bintana,
sa salungat ng ilaw ng museong itinayo
sa megalito ng bago ang mga romano, sa karagatan,
ang dilag na bughaw ng mga simoy
ng taglamig, ang araw ng tanghali na humahalik
sa plasa at sa hangin na bumibitiw
sa kalungkutan ng iyong madilim na sulyap,
sa pamamagitan ng dahan-dahan dumudulas sa mga aparador,
inoobservahan ang mga espile, lampara at dais....
na sumasalamin sa malamig na salamin.

Estefanie Solomon, Kristel Garcia, Larry John Fieldad Pasion

Les cases no són parets... [versió en tagal]

Ang mga bahay ay hindi mga pader at isang pinto,
ang mga bahay ay isang pinto na may susi at mga pader na hindi na natatagusan ng liwanag
–at mga bintana rin, ngunit mga bintana lamang–
dahil kung ang mga bahay ay yari sa salamin ay hahantung tayo sa isang sulok,
umiiyak sa pader, dinudurog para sa pagkaliyo ng bahay
nakaharap sa kalakhan ng mga bituin.

Sa kalangitan at sa abot-tanaw kami’y papunta
ngunit kailangan namin isara ang bintana at ilagay ang mga bulaklak sa isang plorera.
At pinagmasdan sila; konkreto, sa atin,
sa labas ng hindi ibabalik ng kanyang mundo ang katanungan.

Estefanie Solomon, Kristel Garcia, Larry John Fieldad Pasion

M'aparto un fil... [versió en tagal]

Inalis ko ang hibla ng gagamba sa aking mukha
Ito’y aking ginawa ng paulit-ulit na kumbaga hindi ako ‘yung gagambang patay.
Mamatay ng maraming beses at hindi ito binibigyang pansin.
Na kahit ilang bituin pa ang ihagis sa kalangitan
Kahit mainit, ito’y babalik na mahuhulug sa atin.
Dahil sa rami ay hindi tayo makayukong pagtipunin ito.
Na hindi rin natin mapagtanto na tayo’y nabubuhay nagsisihagis
Ng bituin sa langit na bumubuo sa ating mundo.
At sa pagitan ng mga poste ay doon tumatakbo ang hangin.
Ito’y hindi pagkabigo kundi ito’y kalungkutan.

Estefanie Solomon, Kristel Garcia, Larry John Fieldad Pasion