Katahimikan
Tayo`y magtagpo sa kabila, sa katahimikan,
at ang mga salita ay mga malabong larawan,
alingawngaw ng mga damdamin na hindi maintindihan,
mahinang pagwawangis –katulad ng mga bituin
na ipinanganak sa iyong mga mata -, mga katibayan ng katotohanan
na hindi maaaring tukuyin: mapaglinlang,
naiibang kilos na isinasapuso,
sintomas ng apektado, pagkakagulo ng kalooban,
pagtawag ng mga araw na patay
at pagnais na umunti – paunawa
sa palitan ng sa gabi, kapag tayo’y
nasa pagitan ng pagkabigla,
ng matatamis na kasiyahan at pagkabigo.
na mas nagdurusa tayo at nagiging kompromiso
at nang bubong pag-iyak patungkol sa kamalasan
hanggang sa mapagtanto natin
sa mga hindi magambalang mga eskultura
at aking natuklasan, pagkatapos ng mga bintana,
sa salungat ng ilaw ng museong itinayo
sa megalito ng bago ang mga romano, sa karagatan,
ang dilag na bughaw ng mga simoy
ng taglamig, ang araw ng tanghali na humahalik
sa plasa at sa hangin na bumibitiw
sa kalungkutan ng iyong madilim na sulyap,
sa pamamagitan ng dahan-dahan dumudulas sa mga aparador,
inoobservahan ang mga espile, lampara at dais....
na sumasalamin sa malamig na salamin.
Estefanie Solomon, Kristel Garcia, Larry John Fieldad Pasion
Cap comentari:
Publica un comentari a l'entrada