Ang mga bahay ay hindi mga pader at isang pinto,
ang mga bahay ay isang pinto na may susi at mga pader na hindi na natatagusan ng liwanag
–at mga bintana rin, ngunit mga bintana lamang–
dahil kung ang mga bahay ay yari sa salamin ay hahantung tayo sa isang sulok,
umiiyak sa pader, dinudurog para sa pagkaliyo ng bahay
nakaharap sa kalakhan ng mga bituin.
Sa kalangitan at sa abot-tanaw kami’y papunta
ngunit kailangan namin isara ang bintana at ilagay ang mga bulaklak sa isang plorera.
At pinagmasdan sila; konkreto, sa atin,
sa labas ng hindi ibabalik ng kanyang mundo ang katanungan.
Estefanie Solomon, Kristel Garcia, Larry John Fieldad Pasion
Cap comentari:
Publica un comentari a l'entrada