dimarts, 20 de març del 2012

Retorn [versió en tagal]

Pagbabalik

Hinayaan kong gabayan ako ng antok
na magdadala sa akin pabalik sa bahay;
maaaring ikaw ngayon ay nanonood ng telebisyon
o baka nagbabasa ng isang nobela
–kasalukuyan , ang unang Millennium.
Tumigil ako sa gitna ng daan, inikot-ikot
ang mga bolsa, hinahanap ang mga susi
–tayo’y pa rin mga inosente–
nang ating kaligayahan;
iniiwasan ko ang madilim na kailaliman
na isang flyover na sumasaklaw:
ang mga pagliko at pagtawid sa kalsada
na bumabalik sa lambak, ang mga patak
kontra sa pananggang-hangin, Bill Evans
–ang parolang nakasindi ng France Musique–
Sa pyano, kasama ako.
Humiga ako sa kasama, sa iyong tabi;
inilipat ang katahimikan at ika’y aking hinalikan,
pumunta ako sa’yo –hindi gumagalaw,
nakatulog na may librong bukas–
kapag tumaob ang huling asul.
Kalungkutan na nangunguna sa aking pagtulog
ang mga mapapait na berso ni Pavese:
Scenderemo nel gorgo muti;
aking pinatay ang ilaw ng nasa lamesa;
pumasok ako sa parking ng mga panaginip.
Isang araw na naman ang lumipas.

Estefanie Solomon, Kristel Garcia, Larry John Fieldad Pasion

Cap comentari:

Publica un comentari a l'entrada